Lyrics
Nagtatago′ng mga bituin
Sa likod ng ulap, at 'di ko maamin
Nakasimangot ang buwan
Sumisinag, maliwanag
Tila bakit ′di ko ramdam?
'Di ko maintindihan
Sana'y nakikita ng ′yong mata, sinta
Kung sa′n sinubukan ko, kung sa'n sinukuan ko
Pundido na ang sikat ng araw
Nakakabulag sa paningin
Nananatiling takip-silim
Naghihintay sa langit
Mga hiling, ′di na tanaw
Bilang na ba'ng mga bulalakaw?
′Di ko maintindihan
Sana'y nakikita ng ′yong mata, sinta
Kung sa'n sinubukan ko, kung sa'n sinukuan ko
Sana′y naririnig mula sa daigdig
Langit ba talaga ang siyang magpapasiya?
Sansinukob, sa′n susuko?
Sansinukob, sa'n susuko?
Ang bawat apak at bakas
Mga tinahak na landas
Lumihis ba ang daan
O sadyang ′di lang 'tinadhana?
Ang bawat apak at bakas (sansinukob)
Mga tinahak na landas (sa′n susuko?)
Lumihis ba ang daan (sansinukob)
O sadyang 'di lang ′tinadhana?
Music Video
About
Artist Dilaw
Added 3 months ago
More from Dilaw
Popular Now
Tung tung tung sahur (English Translation)
Genius English Translations • 5,870 views
Sherine - Batmana Ansak (English Translation)
Genius English Translations • 1,816 views
Pikiran yang Matang
Perunggu • 1,355 views
AKUGETSU - Mi Vida Loca (VIVINOS - ALNST Sub : Till Part.1)
Genius English Translations • 1,167 views
Saja Boys - Soda Pop (Romanized)
Genius Romanizations • 1,111 views