Lyrics
ako'y ginising ng ihip ng hangin
ang sikat ng araw makulay
sa tabing ilog parang may tumatawag
ako'y lumapit sa puno'y may natatanaw
dumilim ang araw
bumigat bigla ang aking dibdib
tibok ng puso'y bumilis
ako'y hindi mapakali
ako'y naduduwal
sa pagtitig ng kanyang mata
ako'y kanyang hinusgahan
ligaya kong naramdaman
binawi sa akin
at hindi ko maalala
kung saan galing ito
mga bahid ng dugo
dumikit sa aking mga kuko
tumakbo lumayo sa lugar nato
lalamunan ko'y tuyong-tuyo
tumatakbo lumalayo sa titig mo
sa mata ng Diyos
biglang umikot ang paningin
liwanag ng araw biglang dilim
nalambing na ihip ng hangin
ngayon ay matalim
ako'y nawala sa aking sarili
pati ang lupa'y gumanti
bato bundok o puno man
sumisigaw sumisigaw
at ngayon ko nakikita
ang lahat ng kasalanan
tinaboy sa ulan
init ng kamunduhan
tumakbo lumayo sa lugar na to
lalamunan ko'y tuyong tuyo
tumakbo lumayo at magtago
sa mata ng Diyos
inalok ako ng mansanas
pula't matamis na mansanas
pilit ko man hindi makaiwas
sa mata ng Diyos
Music Video
About
Artist Wolfgang
Added 2 months ago
More from Wolfgang
Popular Now
Tung tung tung sahur (English Translation)
Genius English Translations • 5,855 views
Sherine - Batmana Ansak (English Translation)
Genius English Translations • 1,797 views
Pikiran yang Matang
Perunggu • 1,346 views
AKUGETSU - Mi Vida Loca (VIVINOS - ALNST Sub : Till Part.1)
Genius English Translations • 1,149 views
Saja Boys - Soda Pop (Romanized)
Genius Romanizations • 1,098 views