Lyrics
[Intro]
La-la-la-la, la (Ah)
La-la-la-la, la (Ah)
La-la-la-la, la (Ah)
La-la-la-la, la
[Verse 1]
Minsan, gusto kong magsumbong sa'yo
Kapag pagod na pagod na ako
Tama pa bang init ng yakap mo ang hinahanap ko?
Minsan, gusto kong tumawag sa'yo
Para lang marinig ko ang boses mo
Mali na ba kapag nakangiti ako?
Hinahanap ko ang sa'yo
[Chorus]
Kahit hindi na kita nakikita, ah
Kahit lumipas man ilang dekada, ah
Kahit nagbago na hinahanap ng 'yong mga mata
Hanggang may kahel na langit, maiisip kita
[Verse 2]
Kamukha ng pagsibol ng araw
Mukha mong 'di na abot-tanaw (Hindi na abot-tanaw)
Sa dami ng sukat ng kamay at daliring niyakap
Sa'yo lang 'di napapasma, perpektong akma
[Chorus]
Kahit hindi na kita nakikita, ah (Hindi kita mabitawan)
Kahit lumipas man ilang dekada, ah (Lumipas man ilang dekada)
Kahit nagbago na hinahanap ng 'yong mga mata
Hanggang may kahel na langit, naiisip kita, oh
[Refrain]
La-la-la-la, la
La-la-la-la, la
La-la-la-la, la
La-la-la-la, la
[Outro]
Sa mga araw na wala akong kakampi
Tuwing may mga luha sa aking mga ngiti
Sa umpisa ng araw at bago mag-gabi
Hanggang may kahel na langit
(La-la-la-la, la) At sa darating na panahong
(La-la-la-la, la) Nasa ilalim na'ko ng lupa
(La-la-la-la, la) At 'pag inuod na ang puso at utak
(La-la-la-la, la) Ang makikita nila'y ikaw
Music Video
About
Artist Maki
Added 3 months ago
More from Maki
Popular Now
Tung tung tung sahur (English Translation)
Genius English Translations • 5,876 views
Sherine - Batmana Ansak (English Translation)
Genius English Translations • 1,826 views
Pikiran yang Matang
Perunggu • 1,360 views
AKUGETSU - Mi Vida Loca (VIVINOS - ALNST Sub : Till Part.1)
Genius English Translations • 1,174 views
Saja Boys - Soda Pop (Romanized)
Genius Romanizations • 1,118 views