Paprikka

Hinahanap

by Paprikka

12 Views Jun 12, 2026

Lyrics

[Intro]
Ooohh ~
Wooh!

[Chorus]
Ooh! Mata ko ay ikaw ang hinahanap
‘Di sapat ang isang sulyap lang
Pagbigyan ang pusong 'di mapigilang
Nananabik sa halik mo sinta!

Mata ko ay ikaw ang hinahanap
‘Di sapat ang isang sulyap lang
Saglit lang
Ooh baby ~

[Verse]
Tila anino, sa’king paglakad
Laging nakatabi
Bawat minuto
Ako’y sayo ay nananabik

Sa’king pagtulog, kahit paggising
Ikaw ang panaginip
‘Di ko malimot
Kahit pilitin pang burahin

[Refrain]
Ngayong gabi lang ay tinawagan ka
Nang “di sadya”
Narinig ang boses mong muli
Dama ko ang ngiting
Sana’y mapasakin na!

[Chorus]
Ooh! Mata ko ay ikaw ang hinahanap
‘Di sapat ang isang sulyap lang
Pagbigyan ang pusong 'di mapigilang
Nananabik sa halik mo sinta!

Mata ko ay ikaw ang hinahanap
‘Di sapat ang isang saglit lang
‘Di ko na kaya pang mag alinlangan
Na ikaw lang at wala nang iba!

[Synth Solo]

[Verse]
At kung sakaling ako’y hanapin
Magbago ang ihip ng hangin
Takbong matulin
Telepono ko ay pa-RING-in

Sa umaapaw nitong pag-ibig
At puso kong ikaw ang hiling
Gustong malaman
Kung makikita ka sa huli

[Refrain]
Ngayong gabi lang ay ika’y tumawag na
Nang “di sadya”
Narinig ang boses kong muli
Dama mo ang ngiting
Sayo’t sa iyo lamang!

[Chorus]
Ooh! Mata ko ay ikaw ang hinahanap
Di sapat ang isang sulyap lang
Pagbigyan ang pusong 'di mapigilang
Nananabik sa halik mo sinta!

Mata ko ay ikaw ang hinahanap
‘Di sapat ang isang saglit lang
‘Di ko na kaya pang mag alinlangan
Na ikaw lang at wala nang iba!

Ooh! Mata ko ay ikaw ang hinahanap
‘Di sapat ang isang sulyap lang
Pagbigyan ang pusong 'di mapigilang
Nananabik sa halik mo sinta!

[Outro]
Mata ko ay ikaw ang hinahanap
‘Di sapat ang isang sulyap lang
Saglit lang

Ooh baby (Oooohh)
Ooh baby (Haa, haaa~)
Ooh baby (Ikaw ang hanap-hanap)
Ooh baby (Ikaw~)