Album Cover ILAW

ILAW

SB19

6

Kanina ay nahuli ang aking sarili

Nakangiti na naman at nagkukubli

Ng tunay na kailanman ay ′di ko maipagsasabiNa naman, na naman

At pagdating sa 'king tahanan

Ay hindi ko na naman mahanap aking susi

Saang lupalop ko ba ′to naitabi?

Pasintabi na naman, na naman

Nalilito, nahihilo na sa inyo

Nasaan na nga ba ang sarili kong pagkatao?

Sino ba'ng may tenga sa mga bulong ko?

Kahit pa 'ko′y sumigaw ay malabo, oh

Tao po, pakinggan niyo naman ako

Bakit ′di niyo subukang buksan ang bukas namang pinto?

Nang tuluyan nang makita niyo tunay na ako

'Di nagtatago sa likod ng bumubulag na ilaw na ′to

Napapamuni-muni sa kawalan ng huni

'Di mapapirmi aking sarili

Ilaw nga ang dahilan kung ako ngayo′y nasa'n man

Ngunit kailangan kong magpahinga

Patayin ang ilaw pansamantala, oh

Bakit gan′to? Inakalang magbabago

Kabayaran ba nito'y sarili ko'y maglalaho?

Sino ba′ng may tenga sa mga bulong ko?

Kahit pa ′ko'y sumigaw ay malabo, oh

Tao po, pakinggan niyo naman ako

Bakit ′di niyo subukang buksan ang bukas namang pinto?

Nang tuluyan nang makita niyo tunay na ako

'Di nagtatago sa likod ng bumubulag na ilaw na ′to

Heto na naman ako, patungo sa presinto

Mag-iisip ng kung ano-ano

Kailan ba'ng laya ko dito?

Heto na naman ako

P′wede bang ipagpaliban muna ng isang linggo?

P'wede muna bang hinto?

Papalapit na, ako'y papalapit na

Bigat sa yabag ng bawat hakbang nitong paa

Patungo sa lugar kung sa′n ayaw kong pumunta

Wala na bang iba, wala na ba?

Patuloy ang aking paghahanap sa pag-asa

Ngunit walang saysay pa ang pagmamakaawa

Ano pa ba ang kabuluhan nitong aking paghinga? Ah

Sino?

Sino?

Sino?

Sino ba′ng may tenga sa mga bulong ko?

Kahit pa 'ko sumigaw ay malabo, malabo, malabo

Sino ba′ng may tenga sa mga bulong ko?

Kahit pa 'ko′y sumigaw ay malabo, oh

Tao po, pakinggan niyo naman ako

Bakit 'di niyo subukang buksan ang bukas namang pinto?

Nang tuluyan nang makita niyo tunay na ako

′Di nagtatago sa likod ng bumubulag na ilaw na 'to

Ooh, ooh

Ooh, ooh, ooh