Album Cover Hangganan

Hangganan

Sam Mangubat

8

Pinagtagpo ngunit di tinadhana

Kapalaran daw nating dalawa

Sa loob ng kaunting panahonPambihirang tamis ang tugon

Ng iyong puso sa akin

Para bang sinasabing

Ika′y gustong angkinin

Pakinggan mo, O Giliw

Himig di magmamaliw

Kahit kailangang bumitiw

Mahal kita

Tumutol man ang tadhana

Sa'yo lang ako lumigaya

Ngayon lang ako umibig ng gan′to

O, aking susulitin

Saglit mang tawagin

Kahit hanggana'y dumating

Pinagtagpo ngunit di tinadhana

Kapalaran nga ba'y madaya

Sa kabila ng pag-ibig na totoo

Panahon na nga ba ang sumuko

Ano mang higpit ng yakap

Lumipad man sa ulap

Paglayo mo′y di na mapigilan

Ngunit bago lumisan

Pakiusap ni minsan

Ako′y di mo malimutan

Mahal kita

Tumutol man ang tadhana

Sa'yo lang ako lumigaya

Ngayon lang ako umibig ng gan′to

O, aking susulitin

Saglit mang tawagin

Kahit hanggana'y dumating

Mahal kita...

Mahal kita...

Mahal kita

Tumutol man ang tadhana

Salamat dahil lumigaya

Ngayon lang ako inibig ng gan′to

At di ka nagsising

Ako ay ibigin

Kahit hanggana'y dumating

Mahal kita...

Mahal kita′y pinangako

Ang awit ng puso

Bakit kailangang lumayo

At kung di mapigilan

Sana sa paglisan

Ako ay di mo malimutan

Pinagtagpo ngunit di tinadhana

Kapalaran ba nating dalawa

Lagu lain oleh Sam Mangubat