Album Cover Sa Susunod Na Lang

Sa Susunod Na Lang

PDL

6

Ha! Gusto ko lang naman makausap ka, eh

You know, you know, I just, I just wanna talk, huh

Doobi-do-doop, doop, doop, darap, eh (Flip-D on the beat)Panty Droppaz League

Halos limang oras na akong nag-aantay sa ′yo

Nag-aabang ako sa labas ng bahay niyo

Sipat ng sipat kung sisilip ka ba sa bintana

Magpakita ka'y parang ′di yata

Ilang beses ka nang lagi na lang ganyan

Kung iwasan ako'y parang ayaw akong nand'yan

Sa susunod na punta ko′y pagbuksan mo na sana

Kasi kahit ano′ng mangyari ay 'di ako mawawalan ng pag-asa

Ayaw kitang pilitin kung ′di ka pa handa

Sa susunod na lang, sa susunod na lang

Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang

Ako'y uuwi na lang, sa susunod na lang

Napupuyat na ′ko kakapaalala

Kumain at mag-ingat kung sakaling maggala ka

Laging sinisipat ang imahe ng dalaga

Na pangarap makasama ko sa hirap at ginhawa

Tipikal na dahilan ng tagahanga mong

Hindi naghahanap ng iba kahit na nababatong

Naghihintay sa 'yong sagot sa ′king mga tinatanong

Habang ang pamantayan mo ay pilit kong tinatalon

Kasi alam ko na hindi ka pa handa

May gusto kang makita pa sa 'kin at madama

Kaya ito ako, naghahanda 'kong madapa

Kung mabigo sa ngayon, ayos lang kasi may bukas pa

′Di nauubos ′yun kaya kahit kumukunot na ang noo ko

Ay sa alon natin ay sumusunod na lang

Susuyuin ka kahit hindi mo pa mapunuan

'Yung ikaw sa salitang tayo, ayos lang, sa susunod na lang

Ayaw kitang pilitin kung ′di ka pa handa

Sa susunod na lang, sa susunod na lang

Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang

Ako'y uuwi na lang, sa susunod na lang

Ayaw kitang pilitin kung ′di ka pa handa

Sa susunod na lang, sa susunod na lang (oh, yeah)

Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang

Ako'y uuwi na lang, sa susunod na lang (yeah, yeah, yeah)

Ayaw kitang pilitin kung ′di ka pa handa

Sa susunod na lang, sa susunod na lang

Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang

Ako'y uuwi na lang, sa susunod na lang