Album Cover Sagi

Sagi

Paul Pablo

6

Wala ka bang nadarama sa

Ating mga ginagawa ′pag tayo lang dalawa

Kayakap kaPero pansamantala lang

Ika'y umalis habang ako′y umaasa na

Ang pakay mo'y higit pa sa lahat ng 'to

Nasasagi ba sa isip na maging tayo?

Ipapalid lang ba sa hangin tawag ng puso?

Ipahiwatig mo naman ang katotohanang tinatago

Masasagi ba ng ′yong isip nilalaman ng ′yong puso?

Nandito pa kahit walang kasiguraduhan

Sa mga pagtingin hindi alam anong patutunguhan

Ano kayang silbi ng nasimulan

Kung 'di pagbibigyan at totohanin na ang tayo?

Ipaalam mo sa ′kin kung anong dulo

Nasasagi ba sa isip mo na maging tayo?

Ipapalid lang ba sa hangin tawag ng puso?

Ipahiwatig mo naman ang katotohanang tinatago

Nasasagi ba ng 'yong isip nilalaman ng ′yong puso?

(Oh-oh)

Alam kong may nilalaman

(Oh-oh)

Pero takot ka na ipaglantaran

(Oh-oh)

Kita sa 'yong mata ang katotohanan

(Oh-oh)

Nasasagi ko na ang puso mo

Nasasagi ba sa isip mo na magiging tayo?

Ipapalid lang ba sa hangin tawag ng puso?

Ipahiwatig mo naman ang katotohanang tinatago

Nasasagi ba ng ′yong isip nilalaman ng 'yong puso?

Nasasagi, sagi ba ng 'yong isip ang ′yong puso?

Nasasagi, sagi ba? (Oh-oh-oh-oh)

Nasasagi, sagi ba ng ′yong isip ang 'yong puso?

Nasasagi ba ng ′yong isip nilalaman ng 'yong puso?