Album Cover Multo

Multo

Cup of Joe

7

7 Contributors

Multo Lyrics

[Verse 1: Gian Bernardino & Raphaell Ridao]

Humingang malalim, pumikit na muna

At baka sakaling namamalikmata lang

Ba't nababahala? 'Di ba't ako'y mag-isa?

Kala ko'y payapa, boses mo'y tumatawag pa

[Pre-Chorus: Gian Bernardino]

Binaon naman na ang lahat

Tinakpan naman na 'king sugat

Ngunit ba't ba andito pa rin?

Hirap na 'kong intindihin

[Verse 2: Raphaell Ridao & Gian Bernardino]

Tanging panalangin, lubayan na sana

Dahil sa bawat tingin, mukha mo'y nakikita

Kahit sa'n man mapunta ay anino mo'y kumakapit sa'king kamay

Ako ay dahan-dahang nililibing nang buhay pa

[Chorus: Raphaell Ridao & Gian Bernardino]

Hindi na makalaya, dinadalaw mo 'ko bawat gabi

Wala mang nakikita, haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim

Hindi na na-nanaginip, hindi na ma-makagising

Pasindi na ng ilaw

Minumulto na 'ko ng damdamin ko, ng damdamin ko

[Post-Chorus: Gian Bernardino & Raphaell Ridao]

Hindi mo ba ako lilisanin?

Hindi pa ba sapat pagpapahirap sa 'kin? (Ng damdamin ko)

Hindi na ba ma-mamamayapa?

Hindi na ba ma-mamamayapa?

[Chorus: Gian Bernardino & Raphaell Ridao]

Hindi na makalaya, dinadalaw mo 'ko bawat gabi

Wala mang nakikita, haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim

Hindi na na-nanaginip, hindi na ma-makagising

Pasindi na ng ilaw

Minumulto na 'ko ng damdamin ko, ng damdamin ko

[Post-Chorus: Gian Bernardino & Raphaell Ridao]

(Makalaya) Hindi mo ba ako lilisanin?

(Dinadalaw mo 'ko bawat gabi) Hindi pa ba sapat pagpapahirap sa 'kin

(Wala mang nakikita) Hindi na ba ma-mamamayapa?

(Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim) Hindi na ba ma-mamamayapa?