Album Cover Kay Tagal

Kay Tagal

Mark Carpio

4

Akala ko′y 'di pa handang

Muling tumibok ang damdamin

Ngunit bigla kang dumating sa buhay ko

′Di kailangang umimik

Nagdadaldalan lang sa tingin

Saan ka ba nanggaling? Bakit ngayon lang?

Oh, kay tagal kitang hinanap

Oh, kay tagal ko ring nangarap

Na makapiling ka, oh, aking mahal

Pangakong hindi ka iiwanan

At hindi pababayaan

Oh, anong saya ang nadarama

'Di kailangang magpanggap

Walang kailangang baguhin

Sadyang ginawa para sa isa't isa

′Di kailangang magmadali

Buti na lang, ′di pinilit

Alam ko naman na ikaw ay darating

Oh, kay tagal kitang hinanap

Oh, kay tagal ko ring nangarap

Na makapiling ka, oh, aking mahal

Pangakong hindi ka iiwanan

At hindi pababayaan

Oh, anong saya ang nadarama

Oh, heto ako, ngayo'y iyong-iyo

Bago mag-alala, nais kong malaman mo, oh

Oh, kay tagal kitang hinanap

Oh, kay tagal ko ring nangarap

Na makapiling ka, oh, aking mahal

Pangakong hindi ka iiwanan

At hindi pababayaan

Oh, anong saya ang nadarama

Oh, anong saya ang nadarama

Akala ko′y 'di pa handang

Muling tumibok ang damdamin

Ngunit bigla kang dumating sa buhay ko