Album Cover Eba

Eba

Kiyo

7

Yeah, uh (whoo)

Eba, sakay na sa kalesa′Gawa ng mga kwentong panghabang-buhay

Hindi lamang pang-era

'Pag kasama parang perya, ′pag wala ka, 'lang eksena

Ikaw gustong makasama magpahanggang mag-70

Turing ko sa buhay ko ay komedya na may trahedya

Ngayon gustong 'pagpatuloy pahabain ang nobela

Binuklat bagong libro, ako ′yong nobyo, ikaw ang nobya (yeah)

Sasabihin ko lahat, ′di na kailangan ng serbesa

Gusto ba kita, oh, giliw?

Tanong ko sa sarili habang ligaw sa 'yong mata

Baka mabunyag ang aking lihim

Na tinago nang kay tagal, baka ngayon marinig niya

Palaban, bakit sa ′yo alipin?

Handang daanan ang napakarami na hadlang

Magkasama man kahit walang sabihin

Komportable na basta't katabi at kapiling ka (whoo)

Pangakong ′di mag-iiba

Pagtingin ko sa 'yo ay hindi maipinta

Kahit ang sabi nila pagmamahal ko sa ′yo

Ay mababaw daw at ikaw daw ay 'di iba sa kanila

Sabi ko naman ano'ng paki nila?

Pagtingin ko sa ′yo kaysa kanila ay iba

Oh iba, oh iba

Iba ka (whoo)

Alam kong gutom ka, ikaw na mag-suggest (pow)

Turo mo sa ′kin, bibilhin ko iyong request (huh)

Matagal na 'di nagkita, sabik na ′ko bigkasin

Na mahal kita nang 'di lang sa tawag at mga text (whoo)

Sinta, ′wag na 'wag kang mag-aalala

Ipakita mo sa akin tunay na ikaw

′Di ko tatapakan ang iyong mga paa kaya halika

(Gawin gustong gawin parang walang nakatingin, yeah)

Isasayaw ka parang disco (disco)

Paborito ka parang El Bimbo

At baka pumayag pa 'kong mag-TikTok

Walang tinatago, 'di mabibisto, ayy

Nandito na ako sa inyo (ding-dong)

May mang-aagaw ba? Nasa′n ang pistol? Ayy

′Di makatiis, I miss you, 'di mapakali

Ikaw aking bisyo, oh

Gusto ba kita, oh, giliw?

Tanong ko sa sarili habang ligaw sa ′yong mata

Baka mabunyag ang aking lihim

Na tinago nang kay tagal, baka ngayon marinig niya

Palaban, bakit sa 'yo alipin?

Handang daanan ang napakarami na hadlang

Magkasama man kahit walang sabihin

Komportable na basta′t katabi at kapiling ka

Pangakong 'di mag-iiba

Pagtingin ko sa ′yo ay hindi maipinta

Kahit ang sabi nila pagmamahal ko sa 'yo

Ay mababaw daw at ikaw daw ay 'di iba sa kanila

Sabi ko naman ano′ng paki nila?

Pagtingin ko sa ′yo kaysa kanila ay iba

Oh iba, oh iba (yeah, yeah)

Iba ka (yeah, yeah, yeah)

Iba, iba, iba, iba, iba, iba

('Di mag-iiba, iba ka, iba ka, iba ka, ooh)

(Kahit ang sabi nila pagmamahal ko sa ′yo)

(Ay mababaw daw at ikaw daw ay 'di iba sa kanila)

Ako ′yung tipong 'di basta hihinto

Dire-diretso, walang biglang liko

Buksan ang pinto, kilalanin mo sino ba ako

Tarantado ako dati pero sa ′yo matino

Nakakasilaw mga ngiti mo na tila ginto

Sisingit ako ng pilit, walang pila sa...

Agad, agad, hindi na

Agad, agad, hindi na

Agad, agad, hindi na

Agad, agad, hindi na

Gusto ba kita, oh, giliw?

Iba ka, iba ka

Iba ka, iba ka, iba ka (baka mabunyag ang aking lihim)

Eba, sakay na sa kalesa (palaban, bakit sa 'yo alipin?)

Gawa ng mga kwentong panghabang-buhay

Hindi lamang pang-era

'Pag kasama parang perya, ′pag wala ka, ′lang eksena

Oh, okay na ba 'yun?