Album Cover Kalimutan Ka

Kalimutan Ka

Skusta Clee

7

[Verse 1]

Pilit kong kinakaya

Na bumangon mag-isa sa kama

Kahit ginawa ko nang tubig ang alak

'Di tumatama (Woah)

[Pre-Chorus]

Kung sakali na magbago ang isip mo (Isip mo)

Ako'y lagi lang namang nasa gilid mo (Laging nasa gilid mo)

Kaso nga lang kahit na anong pilit ko

Ako'y 'di mo nakikita, ooh-woah

[Chorus]

Hirap tanggaping 'di mo na 'ko kailangan

Sana nama'y nilabanan mo, anong nangyari sa tayo?

Hanggang sa huli, tuluyan bang kakalimutan na?

Ayoko pang mawalan ng pag-asa, mga mata mo'y masilayan ko

At kahit ano pang gawin kong pagkukunwari

Ay tila ba nakalimutan na'ng kalimutan ka

[Verse 2]

Walang ibang mapagsabihan, balikat ko'y tinatapik

Papa'no ko tatanggapin na ika'y hindi na babalik?

'Pag naaalala kita, luha'y 'di maipahinga

Mata'y wala nang mapiga

[Pre-Chorus]

'Di na ba talaga magbabago ang isip mo? (Ang isip mo)

'Yan na ba talaga ang ikakatahimik mo? (Ikakatahimik mo)

Kasi kahit na ano pang gawing pilit ko

Ako'y 'di mo na makita, ooh-woah

[Chorus]

Hirap tanggaping 'di mo na 'ko kailangan

Sana nama'y nilabanan mo, anong nangyari sa tayo? (Sana nama'y nilabanan mo)

Hanggang sa huli, tuluyan bang kakalimutan na?

Ayoko pang mawalan ng pag-asa, mga mata mo'y masilayan ko

At kahit ano pang gawin kong pagkukunwari

Ay tila ba nakalimutan na'ng kalimutan ka

[Instrumental Break]

[Chorus]

Hirap tanggaping 'di mo na 'ko kailangan

Sana nama'y nilabanan mo, anong nangyari sa tayo? (Nilabanan mo)

Hanggang sa huli, tuluyan bang kakalimutan na?

Ayoko pang mawalan ng pag-asa, mga mata mo'y masilayan ko (Mga mata)

At kahit ano pang gawin kong pagkukunwari

Ay tila ba nakalimutan na'ng kalimutan ka