Album Cover Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong

Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong

JM De Guzman

5

Ala-una ng umaga na naman

Hanap pa rin ang ′yong amoy sa 'king unan

Kanina pa nakahiga sa ′king kamaPilit limutin ang ganda ng 'yong mata

Sa mga bituin na lang kaya ibubulong

Ang mga lungkot na aking nadarama?

Hihintayin na lamang ang panahon

Na paggising ko ay nariyan ka na

Alas-tres na ng umaga na naman

Hinihintay na bumaba na ang buwan

Kanina pa paikot-ikot sa kama

Tulad ng pag-ibig nating dalawa

Sa mga bituin na lang kaya ibubulong

Ang mga lungkot na aking nadarama?

Hihintayin na lamang ang panahon

Na paggising ko ay nariyan ka na

Sana'y landas natin magtagpo

At hahanapin na tayo

Sa mga bituin na lang kaya ibubulong

Ang mga lungkot na aking nadarama?

Hihintayin na lamang ang panahon

Na paggising ko ay nariyan ka na

At babalik ka na sa ′kin, aking sinta