Album Cover Kailanman

Kailanman

Introvoys

11

Nasa′n na siya ngayon

Hinahanap mo't ′di mo alam

Lahat ng iyong gagawinNawala siya sa piling mo

Ang puso kong ito'y

Inaalay ko sa 'yo lamang

Kaya′t ′wag nang magdaramdam

Pag-ibig ko sa'yo′y nakalaan

Kailanman 'di kita masasaktan

Kahit na anong mangyari, tayo ay magmamahalan

At sa pagsapit ng dilim (dilim)

′Di mawawalay, pag-ibig ko ay tunay, kailanman

Bakit ba ganito

Kung sino pa ang inibig mo

'Yon pang nanloko sa ′yo

'Di na yata tama ito

At 'di na magkakagano′n

Kung ako ang pipiliin mo

Pangako′y 'di mabibigo

Ako ay iyong-iyo

Kailanman ′di kita masasaktan

Kahit na anong mangyari, tayo ay magmamahalan

At sa pagsapit ng dilim (dilim)

'Di mawawalay, pag-ibig ko ay tunay kailanman (kailanman)

Kailanman woah

Kailanman ′di kita masasaktan ('di masasaktan)

Kahit na anong mangyari, tayo ay magmamahalan

At sa pagsapit ng dilim (ng dilim)

′Di mawawalay, pag-ibig ko ay tunay

Kailanman 'di kita masasaktan ('di masasaktan)

Kahit na anong mangyari, tayo ay magmamahalan

At sa pagsapit ng dilim (ng dilim)

′Di mawawalay, pag-ibig ko ay tunay, kailanman