Album Cover Atin

Atin

Ex Battalion

10

Atin ang gabing ito

Woah, oh no

Atin ang gabing ito, ohh (J.E.)

Kasi nakakamiss at nakakasabik

Kung iisipin mo na sayang kung ′di sulit saglit

Sayang ang punta 'pag hindi ngiti sa labi bitbit

Ang pintig ng puso ko para sa′yo ay tindig

Kahit magkagulo, walang iwanan

Hanggang sa magwakas ang mga kwento niyo

Mamaya na ang palaging bigas 'pag may tumatayo

Habang nagmamahal ang sintas ng mga sapatos niyo

Baka bukas busy na, kaya tara na ating sulitin 'to

Ang lupit kasi ng bawat kulitan at biro

Talaga namang gustong mapa-in kahit sino

Sa bahay mo pinaranas mo′ng in ako dito

Pantay-pantay lahat walang boss sa inyo rito

Kaya you go back start, laging pataas ang hila

Kay Mark pina-spark niya lahat, siya ang Caguioa

So we play it like Ginebra, mala-Bal David ang tira

Na nagsabi sa lahat panahon na ′to ng bagong era, kaya, let's go

Atin ang gabing ito

Atin ang gabing ito

Kulitan at tawanan at kwentuhan lang

Para sa gabing ito

Kasi atin ang gabing ito (atin ang gabing ito)

′Di masasabi ang mangyayari bukas

Kaya atin ang gabing ito (yah! Honcho!)

Ito na muli ang gabi na magkasama uli

'Yung huli ang muli ko′ng naalala ay uwian

Dami-dami kong naiwan,

Alaala na lumipas, bukas, walang oras

Walang kupas tuloy pa rin sa paglaki

Habang nakatingin sila, hmm

Pero 'di ko na ulit babanggitin

Habang ang mga bituin ay siguradong titingin

′Di ko mabilang, oras naming sinugal

Nagawang sukli ang puhunan naming lyrical

Ginugulat mo kami at ginugulan ng malaking oras

Pero 'di pinapatulan

Kaya hayaan mo, pa'no ko tatapusin mamangka

Sa karagatan kasi ay mas malaking barko, mas lamang ′yon

Kaya kahit dala namin ay bangka, susugal hanggang sa dulo

Hanggang kami na bangka, yah

Atin ang gabing ito

Atin ang gabing ito

Kulitan at tawanan at kwentuhan lang

Para sa gabing ito

Kasi atin ang gabing ito (atin ang gabing ito)

′Di masasabi ang mangyayari bukas

Kaya atin ang gabing ito

Tara't halina, sulitin ang gabi na ′to

'Wag munang umuwi pa

Kasi baka mabitin at tsaka aabutin pa tayo dito ng umaga

′Di na papaawat, awatin man, akin na at tagayan na 'yan

′Pag napapahiya, tatawanan ka niyan

Pero hinding-hindi ka iiwanan kahit saan

Ano man trip mo, agad ikaw ay sasabayan

Kapag may beat mo, matic 'yan na kakantahan

Kapag nag-hit talagang makakamayan

Ito ang tip namin para sa mga nag-abang

Binigay niyo sa'ming tiwala susuklian ng tama

Tama ′pag may tiyaga bibigyan ka ng gantimpala

Kaya ′di na nawala ngayon patuloy humahanga

Simula nung una hanggang dulo kayo ang kasama kaya

Atin ang gabing ito

Atin ang gabing ito

Kulitan at tawanan at kwentuhan lang

Para sa gabing ito

Kasi atin ang gabing ito (atin ang gabing ito)

'Di masasabi ang mangyayari bukas

Kaya atin ang gabing ito

Anuman ang tampo ang patunguhan

′Di pwedeng 'di magbungguan

Ang mga baso bago mag-uwian

Tsaka mag-ululan, pa′no kitang 'di man natin

Isa lang ang ating hantungan

Mapagtagumpayan at tuparin ′yung dati lang kwentuhan

Sa daming ang 'di naniwala, tinuloy mong magkakasama

Nang tayo-tayo miski na sabihang pariwara

Kaya sino-sino pang maghahati sa gantimpala

Eh 'di tayo-tayo lang walang iba

Ang haba na ng ating pinasada

Sapat na siguro ′yon na dahilan

Para kulangan ang rason na sukuan ang nasimulan

Walang perpekto kaysa bawat may isang kakulangan

Dito tayo na ang mga patlang ′yan ay mapunan

Kasi galak ko, kumpleto pwersa nating malakas

At isandaang porsyento, matatawag 'pag may isang nakalas

Alam niyo ′yon tsaka alam 'yon ng lahat

Sabay-sabay tayo na bibigkas na atin ang gabing ito

Atin ang gabing ito

Atin ang gabing ito

Kulitan at tawanan at kwentuhan lang

Para sa gabing ito

Kasi atin ang gabing ito (atin ang gabing ito)

′Di masasabi ang mangyayari bukas

Kaya atin ang gabing ito

Dami-dami nang nangyari, puro masarap

Kasi mga kasama ko, mga gustong kaharap

And we chillin' lang sa top view, singing with the gang

′Di niyo na 'to ma-a-undo, and we don't give a damn

Naging bingi sa mga hate, kinagat lang ang mga fake

Anumang risk ay tinitake, manguna man o magpa-late

′Di na hangad ′pag mayabang, alam na 'yan ng may alam

Kada labas aabangan kahit na solo lalo mapa-gang

May humadlang papalagan, ′yung mga chick aanakan

Joke lang 'yon, tama na ′yan

Tapos na kami sa mga ululan

Bawat kumatok na tropa ay pagbubuksan, pa-ding-dong

Kasama ka, bagong era ExB ang malaking, ha

Atin ang gabing ito

Atin ang gabing ito

Kulitan at tawanan at kwentuhan lang

Para sa gabing ito

Kasi atin ang gabing ito (atin ang gabing ito)

'Di masasabi ang mangyayari bukas

Kaya atin ang gabing ito

Dapat ituloy na natin habang magkasama

Kasi bukas kaniya-kaniya tayong hassle

Mag-uumaga, umagahin man tayo sa kalsada

Magdamag tawanan at wala ng cancel, lahat sasama (yes)

Biruin mo may tropa kang kasama mo palagi (yes)

Lahat ng bagay lagi mong nakakahati (yes)

Tinuring ko′ng karerang 'to parang Ducati

Ang championship sa'min walang makakabawi

At sasabayan kahit pa sa buwan

Babangka kahit pa magsagwan, and′yan

Dapat united lagi as one

Eto rock make reals puro lait lang ′yan

D'yan ′di na 'ko takot o bukas may mawala pa

Masyado na ′kong bless sa lahat ng napala

'Di man kami ′yung "The Goat"

Sa 'Pinas ay pinaka-

Basta sa'kin ang the best ′pag ExB iba ka

Atin ang gabing ito

Atin ang gabing ito

Kulitan at tawanan at kwentuhan lang

Para sa gabing ito

Kasi atin ang gabing ito (atin ang gabing ito)

′Di masasabi ang mangyayari bukas

Kaya atin ang gabing ito

Para akong hinahatak nung nangangarap kami no'n

Malayo ′to sa dati na meron kami doon

Ngunit dahil sa sipag at pagpupursigi no'n

Ngayon pati mga nagduda′y nasagot na ang tanong

Mga bata kung ituring nila'y uhugin lang dati

Maririnig ang awitin ngayon kahit sa′ng kalye

Minamaliit ang kakayahan dahil binase

Sa mga matatalim na panghuhusga na mensahe

Sino nga ba naman ang mag-aakalang mangyari

Kami lang ang nakipagsapalaran, patunayan na posible

Tila ba kuting sa pagtingin nilang katiting

Nambulaga ng bumangga sa sandamukal na pating

(ExB) 'Di pa rin sa mga hindi naniwala

(ExB) Sa walang ibang hiling kun'di kami masira

(ExB) At do′n sa umpisa pa lang ay tumaya

Maraming salamat po sa suporta at tiwala

Atin ang gabing ito

Atin ang gabing ito

Kulitan at tawanan at kwentuhan lang

Para sa gabing ito

Kasi atin ang gabing ito (atin ang gabing ito)

′Di masasabi ang mangyayari bukas

Kaya atin ang gabing ito

Ano pa bang mahihiling, wala na siguro

Kasi sulit kada segundo, ginto

Alam kong alam niyo 'yon

Kasi iisang pinto lang ang ating nilabasan

′Yung sinimulan layo na ng narating

Natupad na 'yung dating mga usapang lasing, mapansin

Balang araw ′yon ang palaging hiling

Ang bilis ng panahon, hindi natin napansin

O kita niyo ngayon, tayo pinaka-the best na

Daming ng biyayang dumating, feeling blessed

'Kala mo piyesta, punong-puno ng kulay at saya

Nagbunga ang lahat ng kakapuyat ng mata

Buti na lang kayo ang katuwang (buti na lang)

Matino pa rin kahit mga buang (bibs)

Habang tayo nasa ilalim ng buwan

Pakitaas ang mga baso dahil atin ang gabing ito

Atin ang gabing ito

Atin ang gabing ito

Kulitan at tawanan at kwentuhan lang

Para sa gabing ito

Kasi atin ang gabing ito (atin ang gabing ito)

′Di masasabi ang mangyayari bukas (hey)

Kaya atin ang gabing ito (King!)

Kumpleto, katunog ng salitang kuntento

Na aming nabatid sa sinulat naming kuwento

Lahat pantay-pantay, walang luging porsyento

Nangarap lang noon na makasama sa konsyerto

Hanggang sabihin niyo, eh ano pa bang care ko

Basta aming tagumpay lang ang gusto na i-share ko

O, pa'no ba lumakad na dapat tyumempo

Na mga kantang pasok kahit pa maging retro

'Di ko na kailangan, pamilya ang nahanap

Kasamang lumakbay at bumuo nitong pangarap

Nagtiyaga at nagtiis sa nanghahamak

Hanggang sa pangalan namin lumaganap

Everybody, put your hands up high

Tumatagay sa kada kampay

Lalo na kapag this day goes by

Kasama ko ang gang na pang ride or die

Atin ang gabing ito

Atin ang gabing ito

Kulitan at tawanan at kwentuhan lang

Para sa gabing ito

Kasi atin ang gabing ito (atin ang gabing ito)

′Di masasabi ang mangyayari bukas

Kaya atin ang gabing ito

Salamat ng marami sa alaala

Hindi matutumbasan ang pagsasama

Lalo′t kapag kumpleto ang barkada

Walang oras na hindi ka mapapatawa

Salamat musika, ikaw ang nahiligan

Ang kaibigan naming magkakaibigan

Sa oras ng lungkot, merong malalapitan

Hindi mo pinahamak ni minsan, 'di mo iniwan

Kaya atin ang gabi, sulitin natin magkakatabi

Sa lamesa paki-abot ng baso mga pre

Tsaka teka ′yung yelo natin na pampalamig

Tanggalan na rin 'yung bote ng takip

I-skip mo na sa nega- bumalik tayo sa tema

Dating pintuan lang ngayon parang telenovela

′Yung dating puro mema lang

Na sana balang araw ay bumenta

Nagtaas itong bandera sa eksena

Atin ang gabing ito

Atin ang gabing ito

Kulitan at tawanan at kwentuhan lang

Para sa gabing ito

Kasi atin ang gabing ito (atin ang gabing ito)

'Di masasabi ang mangyayari bukas

Kaya atin ang gabing ito

Hindi lang basta samahan ang meron kami dito

Kun′di pamilya na masasabi ko'ng sulido

At heto nagbunga na ang mga konsepto sa isip

Kaya na nanatiling kumpleto

Ano pa bang hahanapin?

Hindi imposibleng 'di ′to ay ′di ka matutos

Pangarap lang kami na nakatutok

Hinarap kahit ano pang pagsubok

Kaya ngayon mas lalo pa kami na nahuhubog

Malayo nang narating, mas lalong tumibay ang pundasyon

Gumawa ng kasaysayan na ang misyon

Kung ang lahat, pangarap lang noon

Manood ka na lang ngayon

Kung papano kami na maging kampeon

Walang makakapigil, tuloy-tuloy ang sa'ming pag-angat

Hanggang sa tumaas nang tumaas

Nandito lang kami magkakasama, ′di magkakalas-kalas

Mananatili pa ding malakas

Atin ang gabing ito

Atin ang gabing ito

Kulitan at tawanan at kwentuhan lang

Para sa gabing ito

Kasi atin ang gabing ito (atin ang gabing ito)

'Di masasabi ang mangyayari bukas (aha)

Kaya atin ang gabi na ′to

Walang kasiguraduhan ang buhay

Dapat sulitin at piliin laging maging tunay

Kahit na minsan kakaumay na

Sanayin lagi na bumangon t'wing nadadapa

Dahil mahaba pa, nilalakaran mong kalsada

′Wag kang mawalan ng gana, may kasama kayo gu-uys

Dadamayan ka, you're the man alaws

Gagawa ng alaala, tatawanan balang araw

Sulitin natin ang gabi na parang ito ang huli

Problema ay isantabi, 'wag matakot magkamali

Raise the glass in the sky, cause it′s a good life

Hella sick, all vibe to all the good times

Atin ang gabi na ′to