Album Cover Ghie

Ghie

DRO

6

Oh

Tanging ikaw lang, walang ibang mamahalinMakakaasang hiling mo′y aking didinggin

Gagawin ko ang lahat para sa 'yo

′Di susukuan kahit pa maging magulo

Ipaglalaban ka, aalayan ka din ng kanta

Kasama mo hanggang sa pagtanda

Hawak-kamay nating lalagpasan ang lahat

Sa mundong nakakapagod, oh, ikaw ang aking pahinga

Gumagaan ang lahat kapag nasisilayan ka na

Kaya 'wag nang mangamba, walang dapat ipag-alala

Palaging nandito lang ako sa 'yong tabi, dito sa ′yong tabi

Labis na ako′y nagagalak, hinding-hindi ako magbabalak

Na iwanan ka kahit ano man ang balakid sa atin

Dinadalangin na ang pag-ibig mo at ang pag-ibig ko'y

Iisa hanggang huli, ′di na masasaktang muli

Tanging ikaw, palaging ikaw

Sa mundong nakakapagod, oh, ikaw ang aking pahinga

Gumagaan ang lahat kapag nasisilayan ka na

Kaya 'wag nang mangamba, walang dapat ipag-alala

Palaging nandito lang ako sa ′yong tabi, dito sa 'yong tabi

Oh

Aking mahal, ang ′yong pangako'y didinggin

Hawak-kamay natin itong tutuparin, yeah

'Di susukuan kahit ano mang tampuhan (hindi susukuan)

Panghahawakan, ating pagmamahalan

Dinadalangin kong tayo hanggang sa walang hanggan

Sa mundong nakakapagod, oh, ikaw ang aking pahinga

Gumagaan ang lahat kapag nasisilayan ka na

Kaya ′wag nang mangamba, walang dapat ipag-alala

Palaging nandito lang ako sa ′yong tabi, dito sa 'yong tabi

Sa mundong nakakapagod, oh, ikaw ang aking pahinga

Gumagaan ang lahat kapag nasisilayan ka na

Kaya ′wag nang mangamba, walang dapat ipag-alala

Palaging nandito lang ako sa 'yong tabi, dito sa ′yong tabi

Oh

Palaging nandito lang ako sa 'yong tabi, dito sa ′yong tabi

Lagu lain oleh DRO