Album Cover Julyo

Julyo

David La Sol

6

Pambihira nga naman,

Hindi ko napigilang tumakbo

Nang makita ka

Ano ang sasabihin

Kung ako′y kakausapin?

Namumula ang mga pisngi

Napatingin ako sayo at nahuli mo

Julyo, wala paring nagbago

Nanghihina parin ako

Paghumahaplos sakin

Matatamis na tinig mo

Julyo, nang hinawakan mo

Nagsibalikan mga naglaho

Kasama ka

Pambihira nga naman

Ba't ako nakahiga sa balikat mo

Sa gitna ng paguusap

Dumaan ang tahimik

At ako ay nanlamig, nagkalapit

Natunaw sa yakap mong kay higpit

Julyo, wala paring nagbago

Nanghihina parin ako

Paghumahaplos sakin

Matatamis na tinig mo

Julyo, nang hinawakan mo

Nagsibalikan mga naglaho

Kasama ka

Julyo, hindi nagbago

Julyo, ako sayo′y may tinatago

Julyo, panghahawakan ko

Julyo, at iingatan tayo

Julyo, wala paring nagbago

Nanghihina parin ako

Paghumahaplos sakin

Matatamis na tinig mo

Julyo, nang hinawakan mo

Nagsibalikan mga naglaho

Kasama ka