Album Cover Kathang Isip

Kathang Isip

Ben

6

′Di ba nga ito ang 'yong gusto?

Oh, ito′y lilisan na ako

Mga alaala'y ibabaonKalakip ang tamis ng kahapon

Mga gabing 'di namamalayang oras ay lumilipad

Mga sandaling lumalayag kung sa′n man tayo mapadpad

Bawat kilig na nadarama sa tuwing hawak ang iyong kamay

Ito′y maling akala, isang malaking sablay

Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito

Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo

Ako′y gigising na sa panaginip kong ito

At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa...

Gaano kabilis nagsimula

Gano'n katulin nawala

Maaari ba tayong bumalik sa umpisa?

Upang ′di na umasa ang pusong nag-iisa

Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito

Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo

Ako′y gigising na sa panaginip kong ito

At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa...

Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana

Na minsan s'ya'y para sa iyo pero minsan, s′ya′y paasa

Tatakbo papalayo, kakalimutan ang lahat

Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh

Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh

Pero kahit sa'n man lumingon

Nasusulyapan ang kahapon

At sa aking bawat paghinga

Ikaw ang nasa isip ko, sinta

Kaya′t pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito

Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo

Ako′y gigising na mula sa panaginip kong ito

At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa...

'Di ba nga ito ang ′yong gusto?

Oh, ito'y lilisan na ako