Album Cover Di Ka Sayang

Di Ka Sayang

Ben

4

Kahit ′di mo sinasabi

Ramdam ko ang pagkukunwari

Akala'y masaya, ba′t parang may lungkot sa tawa?

Bigat ng mga katanungang

Dumadagan sa 'yong isipan

'Di kailangan na buhating mag-isa

′Di ka sayang, ′di kailangang manghinayang

'Di ka sayang, ′di kailangang patunayan

Sarili ay mahalaga kahit pa ano'ng tingin nila

Tanggap kita

Itapon na sa kalawakan

Sanlibong bakit na ′di matuldukan

'Di kailangan na buhating mag-isa

′Di ka sayang, 'di kailangang manghinayang

'Di ka sayang, ′di kailangang patunayan, whoa-oh-oh-oh

Sarili ay mahalaga kahit pa ano′ng tingin nila

Tanggap kita

Kahit talikuran ka nila, tanggap kita

Bitawan na ang 'yong pangangamba

′Di pa huli para humilom

Ang mga sugat ng iyong nakaraan

'Di kita iiwan

′Di ka sayang, 'di kailangang manghinayang

′Di ka kulang, 'di kailangang patunayan, whoa-oh-oh-oh

Sarili ay mahalaga kahit pa ano'ng tingin nila

Tanggap kita

Tanggap kita

Whoa-oh-oh-oh

Sarili ay mahalaga kahit pa ano′ng tingin nila

Tanggap kita

Tanggap kita, tanggap kita

Tanggap kita