Album Cover Janice

Janice

_Dilaw

5

Halika rito

Sumugal ka ng sampung minuto

Sabay tayong maglalayag sa kawalanSakay ng ating isipan

Iwan natin silang lahat

Tayo muna hanggang sa pagdilat

Buburahin lahat ng alaala kasama sila

Saglit lang, tayo munang dalawa

Saglit lang, tayo munang dalawa

Lumapit ka rito

Kahit na sampung segundo

Hawakan ang aking kamay kahit pasmado

Magsisilbing tulay tungo sa ′di sigurado

Iwan natin silang lahat

Tayo muna hanggang sa pagdilat

Buburahin lahat ng alaala kasama sila

Saglit lang, tayo munang dalawa

Saglit lang, tayo munang dalawa

At kung sakaling hindi

Umayon ang panahon

Hahayaan ng tadhanang

Gumawa ng paraan

Tatakbo sa kawalan

'Di ka papakawalan

Saglit lang, tayo munang dalawa