Edi Magalit Ka

by SunKissed Lola

18 Views Aug 12, 2026

Lyrics

Edi magalit ka kung gusto mong magalit
Kasalanan ko naman, 'di ba?
'Di muna lalapit, 'di na muna mamimilit
Kung ang kailangan mo'y ang mapag-isa
Edi magalit ka

Pasensya na
'Di na magsasalita
Hahayaan ka na muna
May mali man ako o wala
Handa na magpakumbaba
Bawat pagtatalo
Kahit 'di manalo
Laging ikaw ang tama
Sa akin ay ayos lang
'Di ako magbibilang

Edi magalit ka kung gusto mong magalit
Ikaw pa rin ang paboritong hagkan
Sige lang magalit ka kahit paulit-ulit

'Di ako mananawang ika'y pakinggan

Oo na, saulado na kita
Mali mo ay nagiging tama
Oh sakit sa ulo
Anong magagawa ko
Ikaw aking pinili
At pipiliin pa
Mananahimik na lang, ah

Edi magalit ka kung gusto mong magalit
Ikaw pa rin ang paboritong hagkan
Sige lang magalit ka kahit paulit-ulit
'Di ako mananawang ika'y pakinggan
Edi magalit ka, ah

Sige lang magalit ka
Sige lang magalit ka
Sige lang magalit ka
Sige lang magalit ka

Edi magalit ka kung gusto mong magalit
Susuyuin pa rin naman kita