Album Cover Tibok

Tibok

Earl Agustin

118

[Verse 1]

Nagsimula sa simple na pasulyap-sulyap

Nagpapapansin sa 'yo

Umabot sa palitan ng mga mensahe

Kilig na kilig ako

"Kumusta?" "Kain na."

"Hello, magandang umaga!"

"Ingat ka!"

"Pahinga, 'wag kang masyadong magpupuyat pa."

[Pre-Chorus]

Naramdaman ng puso na dahan-dahan akong nahuhulog sa 'yo

Sa kada araw natin na pag-uusap, meron nang namumuo

Hindi ko na alam kung ano ang patutunguhan

Ang hiling ko lang naman na itong naramdaman

[Chorus]

Sana, sana naman ay mapa-mapagbigyan na

At nang mapakinggan ang tibok ng puso kong sa 'yo lang

Nara-naramdaman ang tunay na kaligayahan

Sana, sana naman mapagbigyan ang tibok ng puso, oh

[Verse 2]

Ngunit biglang katahimikan

Wala namang matandaan na nasabi

Baka sakaling ika'y aking nasaktan

Bigla na lamang ika'y 'di nagparamdam

Ako ba'y pinagsawaan o may ginagawa lang?

[Pre-Chorus]

Sabihin ang totoo (Sabihin ang totoo)

Upang 'di na malito ('Di na malito)

Saan ba lulugar? hmm

Dahil 'di ko na alam kung ano ang patutunguhan

Ang hiling ko lang naman na itong naramdaman

[Chorus]

Sana, sana naman ay mapa-mapagbigyan na

At nang mapakinggan ang tibok ng puso kong sa 'yo lang

Nara-naramdaman ang tunay na kaligayahan

Sana, sana naman mapagbigyan ang tibok ng puso, oh

[Bridge]

Sana'y 'wag nang patagalin, aminin na rin

Nilalaman ng damdamin

Sana'y sabihin na sa 'kin (Sa 'kin)

Kung meron mang pagtingin, sana'y ikaw rin

[Chorus]

Sana, sana naman ay mapa-mapagbigyan na

At nang mapakinggan ang tibok ng puso kong sa 'yo lang

Nara-naramdaman ang tunay na kaligayahan

Sana, sana naman mapagbigyan ang tibok ng puso

Sana, sana naman ay mapa-mapagbigyan na

At nang mapakinggan ang tibok ng puso kong sa 'yo lang

Nara-naramdaman ang tunay na kaligayahan

Sana, sana naman mapagbigyan ang tibok ng puso

[Outro]

Sana, sana naman ay mapa-mapagbigyan na (Ooh)

At nang mapakinggan ang tibok ng puso (Ooh)

Nara-naramdaman ang tunay na kaligayahan

Sana, sana naman